May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

Memo ng Malacañang na 2-day salary deduction sa gov’t employees , ‘Fake News’

Ni Len Dancel

BINIGYANG-DIIN ng Malacañang na “fake news” ang kumakalat na balita hinggil sa  memorandum circular na  dalawang araw na kaltas- sahod sa mga empleyado sa gobyerno upang gawing donasyon sa mga biktima ng ng lindol sa bansang Turkey at Syria.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil  na “This is not true,” .

Nakalagay sa memo  na “The unfortunate earthquake occurred in Turkey on 6th February 2023 has caused significant human and livestock casualties as well as widespread damage to private homes and public infrastructures. Damage to infrastructure has worsened the humanitarian situation. To extend maximum support to Turkish government and people to help them cope with the destruction caused by the earthquake, a fund has been established/opened as ‘President’s Relief Fund Fur Turkey Earthquake Victims’. It is further proposed deduction of salary from government employees. The President considered the proposal and approved the deductions…” 

Pinekeng pirma rin ni Executive Secretary Lucas Bersamin  din ang nakalagay  kung saan ay inaaatasan  ang lahat ng opisyal ministries, divisions, departments, authorities, corporations, companies, financial institutions at commissions na nagtatrabaho sa ilalim ng “federal government” ay kinakailangang kalatasan ng a two-day salary .

Nakikipag-ugnayan at pinaiimbestigahan na  rin aniya nila sa mga awtoridad ang may kagagawan nito upang mapanagot .