May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 ‘eyewitness’ sa pagkawala ng beauty queen , lumutang sa CIDG 4-A

NI Cyrill Quilo

Camp Vicente Lim, Calamba City- HAWAK na ng Crimial Investigation and Detection Group Calabarzon ang dalawang testigo kaugnay sa pagkawala ng beauty queen finalist noong October 12  sa Tuy,Batangas.

Ayon kay CIDG 4-A director Col. Jacinto Malinao  Jr, ,  lumutang ang dalawang testigo sa kanilang tanggapan na maaaring makatulong  sa ginagawang imbestigasyon kaugnay sa pagkawala ni Catherine Camilon.

Base sa kanilang testimonya, huli nilang nakita si Camilon habang sila ay umiihi sa isang lugar kung saan  duguan at bitbit ng tatlong lalaki  habang inilipat ito ng ibang sasakyan .

Sinabi pa ng mga testigo na namataan sila ng isa sa suspek na agad  naman  silang  tinutukan ng baril kaya naman hindi na nila ito nasundan kung saan dinala ang biktima.

Sa ngayon ay tinutukan pang CIDG Calarzon ang dalawang persons of interest sa pagkawala ni Camilon. Wala pa ring linaw kung buhay o patay na ang biktima .