May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 kaso isinampa sa ex-cop na nanutok ng baril sa QC

Ni Alex dela Cruz

SINAMPAHAN na criminal complaint ng Quezon City police District  (QCPD) ang dating pulis na nakuhaan ng video at nagviral sa social media nitong linggo  makaraang manutok ng baril isang siklista sa kalsada.

Sinabi ni QCPD director Police Brigadier General Nicolas Torre III ngayong araw ng Martes ay  sinampahan na ng alarm and scandal complaint  si Wilfredo Gonzales .

“ Wala namang opisina kahapon kahapon  kaya kanina lang 9:50 am nai-file naming ang kasong alarm and scandal .

Apat na Galas police ang tumayong complainant upang sampahan ng kaso ang dating kabarong si Gonzales.

Matatandaan, nitong weekend  ay nag-viral ang video ni Gonzales dahil sa nasagi ang isang siklista ang kanyang sinasakyang pulan sedan .Lubos itong ikinagalit ng dating pulis kaya naman agad itong bumaba ng sasakyan bitbit ang kanyang baril at akmang puputukan ang siklista.