DALAWANG Koreano ang umano’y namatay dahil sa pagkaka-suffocate sa loob ng sauna room ng isang resort sa Barangay Mainit sa Mabini, Batangas, noong Huwebes, Disyembre 7 ng hapon .
Nakilala ng pulisya ang mga nasawing Koreano na sina Sun Tae Kim, 67, at Yun Seok Seo, 63.
Ang isang kapwa Koreano naman na si Hak Neung Kim, 59, ay na- suffocate din at dinala sa ospital.
Sa inisyal na imbestigasyon, pumasok ang tatlong Koreano sa sauna room ng Sea Spring Resort habang lasing.
Nag-check ang mga sauna attendant sa mga biktima matapos ang ilang sandali at nakita silang nakahiga nang walang malay sa sahig.
Agad namang dinala sila sa ospital kung saan idineklarang patay si Kim at Seo.
Nagsasagawa na ang mga otoridad ng pagsusuri atBatangas Provincial Forensic Unit autopsy sa mga nasawing biktima.