NAKABALIK na ng Pilipinas ang walong Filipino crew members ng sasakyang pandagat na Kmax Ruler, na tinamaan ng Russian missile noong nakaraang buwan kahapon araw ng Biyernes, ayon sa Department of Migrant Workers.
Ngayong araw ay binati ng DMW ang mga OFWs sa Ninoy Aquino International Airport ang kanilang pagbabalik sa bansa.
”Sa kanilang pagdating, lahat ng 25 Filipino crew members ng ill-fated na Kmax Ruler, na nasira sa isang Russian missile attack sa Ukrainian port ng Pivdennyi sa Black Sea, ay bumalik na sa bansa,” ayon sa DMW sa isang pahayag.
Matatandaan na ang unang batch ng repatriates ay dumating noong Nobyembre 25, sinundan ng isang grupo ng 14 OFWs noong Disyembre 2.