June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 ‘motornapper’ tiklo sa Batangas

Ni Cyrill Quilo

NATIMBOG ng mga otoridad ang dalawang carnapper sa isinagawang entrapment operation ng Batangas Provincial Highway Patrol Team noong Biyernes ng gabi sa Barangay Sabang, Lipa City.        

Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, kinilala ang mga suspek bilang sina alyas “Alex” ng Bauan at alyas “Edison” ng Lipa City, Batangas.

Narekober sa mga suspek ang ninakaw na Yamaha Mio motorcycle.

Nangyari ang pagnanakaw ng motor noong 10:15 ng gabi ng Nobyembre 9, 2023 sa Barangay Durungao, Bauan, Batangas habang nakaparada sa tabing kalsada. Itinakas ng dalawang suspek ang motor sa direksyong papunta sa Barangay Inicbulan, Bauan, Batangas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bauan MPS sina alyas “Alex” at alyas “Edison” habang inihahanda ang mga dokumento para sa kasong paglabag sa of RA 10883 New Anti-Carnapping Act of 2016.

“Napakahalaga po ng pakikipagtulungan ng komunidad sa kapulisan upang mabilis na malutas ang mga ganitong klaseng krimen. Sinisikap po natin na maaksyunan agad ang mga di kanais-nais na insidente sa ating pamayanan.”– PCol Belmonte .