May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 NPA , 8 kasama nagbalik-loob sa gobyerno

Ni Alex dela Cruz

BOLUNTARYONG nagbalik loob sa gobyerno ang dalawang miyembro ng NPA at walong dating miyembro ng Underground Movement sa Barangay San Rafael, Lopez, Quezon nitong ika-12 ng Oktubre 2023 sa pinagsanib ng pwersa ng QPPO at 85th Infantry Battalion.

Kasabay ng kanilang pagsuko ng ang pagsurender rin ng iba’t ibang kalibre ng baril, Improvised Explosive Device at mga subersibong dokumento. 

Sa pahayag ni PCol Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon PPO, “Patuloy natin tinatanggap ang mga ganitong kaganapan para mabigyan natin ng pagkakataon ang mga kababayan natin na nalinlang ng komunistang teroristang grupo na mag umpisa ng panibago at mapayapang buhay sa lalawigan na nadeklarang malaya sa presensya at impluwensa ng naturang salot ng lipunan,”