May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

P663K shabu nasabat sa babaeng HVI

Ni Emmanuel Santiago

NASABAT ang Php 663,612.00 pisong halaga ng droga mula sa babaeng High Value Individual (HVI) na ikinasa ng mga operatiba sa Brgy Mayao Crossing, Lucena City nitong Biyernes ng gabi.

Tinatayang kumulang 32 gramo o tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang pouch at 11,000 pesos na ginamit bilang buy-bust money ang nakuha sa suspek na si Alyas Cha ,

Si alyas Cha ay nakatala din sa watch list bilang High Value Individual, kasalukuyan syang nasa kustodiya ng Lucena PNP at sasampahan na ng kaukulang kaso.

“Ito ay bunga ng malalimang imbestigasyon ng ating kapulisan sa mga nagdaang kaparehas na police operation upang malinis natin ang ating lalawigan sa iligal na droga,” ani PColl Ledon Monte , Provincial Director ng Quezon PPO.