May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 patay sa loob ng septic tank sa Laguna

Ni Alex dela Cruz

DALAWANG katao ang natagpuang patay sa loob ng septic tank sa isang mall sa Sta.Rosa City.

Nagtagpuan ang mga bangkay nina Jeric Salvador, plumber at Rommel Luazon na declogger nitong Huwebes ng  alas- 6 ng umaga .

Ayon sa mga otoridad, suffocation ang ikinamatay ng mga ito habang naglilinis ng septic tank.

Simulang naglinis ng septic tank ang mga biktima noong Miyerkules pa ng gabi.

Hindi rin inaalis ng pulisya kung may foul play na nangyari  sa insidente.