
PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang 51-anyos na staff ng congressman sa Balayan, Batangas nitong Biyernes ng hapon.
Tinukoy ng pulisya ang biktimang si Edgardo Sanbuenaventura Jr., residente ng Barangay District 10, ng bayang ito at nagtatabrabaho bilang staff ni Batanags 1st District Representative Eric Buhain.
Labing isang tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinamatay nito.
Base sa ulat ng Balayan Police, pauwi na sana ng bahay si Sanbuenaventura sakay ng kanyang motorsiklo nang maisipan nitong bumili ng pizza sa kanilang talipapa sa Barangay Ermita-Calzada upang ipasalubong sa kanyang pamilya nitong Biyernes ng hapon.
Nang bumaba ang biktima sa kanyang motor ay may dalawang lalaki ang agad na naglalakad papalapit sa kanya saka mabilis na bumunot ito ng baril at binaril siya ng malapitan.
Matapos ang pamamaril ay agad na nagmamadaling tumakas ang ito patungo sa hindi malamang direksyon.
Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang 11 empty shells ng cal. 45 pistol.
Sinabi ng pulisya na maaaring matinding galit ang motibo ng mga ito kaya naman tinadtad ng bala ang biktima.
Pinag-aaaralan na ng mga otoridad ang kuha ng mga CCTV sa lugar ng pinagyarihan upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek .