ILANG araw bago ang Pasko, nawalan ng tirahan ang nasa 300 na pamilya habang habang dalawa ang sugatan sa isang sunog na tumama sa isang residential area sa Tondo, Maynila nitong Martes ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, may P1.5 milyon halaga ng mga ari-arian ang nasira.
Batay sa impormasyon mula kay Barangay Chairman Ronald Lee, mga 100 kabahayan ang nilamon ng apoy.
Isang fire officer naman ang nagtamo ng sugat sa kanang palad habang isang 75-taong gulang na residente naman ang nalapnos sa kanyang kanang paa.
Sinabi pa ng BFP-NCR, nagsimula ang sunog bandang alas-9 ng gabi at umabot sa fifth alarm alas-11:02 ng gabi.
Naapula ng mga bombero ang sunog bandang alas-2:07 ng madaling araw.
