MANILA — Ligtas nang nakauwi sa bansa ang 22 Filipino seafarers mula sa dalawang barkong tinamaan ng drone strikes sa Persian Gulf/Strait of Hormuz at Black Sea.
Dumating sa NAIA Terminal 3 noong Agosto 10 ang mga seafarers sakay ng Qatar Airways flight QR932 at Turkish Airlines flight TK084.
Kabilang dito ang 14 tripulante ng M/V Acheloos at walong seafarers ng M/V Else, na kapwa isinailalim sa repatriation matapos ang mga insidente sa kanilang mga barko.
Sinalubong sila ni DMW OIC-Assistant Secretary for Sea-based OFW Concerns Augusto San Diego III, kasama ang mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at medical team ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Naglaan ang DMW at OWWA ng airport assistance at financial assistance, habang agad namang nagsagawa ng initial medical check-up ang MIAA medical team.
