PUMABOR ang 257 kongresista para ipa -impeachment ni Vice President Sara Duterte habang 25 naman ang tumutol o “No” at 9 naman ang abstain.
Nasungkit ang mahigit sa 1/3 na inaasahang boto sa kamara o mas marami sa inaasahang botong 106 na kongresista sa plenaryo ngayong araw ng Lunes, ika -11 ng Mayo 2026 .
Matatandaang unang ikinaso para ma-impeach ang bise dahil sa kanyang confidential fund, ikalawa ang isyu sa kanyang SALN ( Statement of Assets, Liabilities and Net worth, bribery o cash payment umano sa mga empleyado ng Department of Education (DepEd) at ikaapat yung pagbabanta sa buhay nina pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta- Marcos at dating House speaker Martin Romualdez.
Inaasahang bukas ay tatalakayin sa Senado ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente .
