June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

3.4-M shabu natimbog sa 3 Chinese nationals sa buy bust operation sa Pampanga

TATLONG Chinese nationals ang inaresto makaraang mahulihan ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa ikinasang  buy-bust operation sa Camelia St., Timog Park Subdivision sa Angeles City, Pampanga.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sina Liao Hong Tao, 31; Li Guo, 37; at Wan Li, 41, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Pampanga Provincial Office.

Nasamsam din ang isang SUV at iba’t-ibang cellphone na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek sa operasyon ng POGO.

Ayon sa PDEA na ang mga suspek ay sangkot sa pamamahagi ng mga ipinagbabawal na droga sa mga manggagawa ng POGO.