June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

3 Amerikanong sex offender, nasabat ng BI sa NAIA

NAHARANG  ng Bureau of Immigration (BI) na pumasok la bansa ng tatlong Amerikano na may rekord bilang mga convicted sex offender.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang unang hindi pinahintulutang pasahero ay nakilala bilang si Edgar Javier Manalansan, 74 taong gulang, na dumating noong Abril 11 sa NAIA 3 terminal mula sa isang Cathay Pacific flight mula Hong Kong.

Iniulat ng embahada ng US sa BI na si Manalansan ay nahatulan ng isang hukuman sa Illinois para sa aggravated sexual assault laban sa isang 60-taong-gulang na babae.

Sa parehong araw din, Abril 11, tinanggihan na rin ang pagpasok sa NAIA 1 terminal si Jose Gonzalez Jr., 64 taong gulang, matapos dumating mula sa isang flight ng Philippine Airlines mula New York.

Sinabi ng pamahalaan ng US na si Gonzalez ay nasa listahan na mga kriminal sa Amerika mula pa noong 2015 dahil , kabilang na ang pag-mamay-ari ng cocain, pagnanakaw, grand larceny, pagdadala ng baril, pang-a-abduct, at dalawang rape cases.

Noong Abril 14, kinansela rin ng mga opisyal ng BI sa Terminal 1 ng NAIA at hindi pinahintulutan si Daniel Nevarez, 46 taong gulang, na dumating mula sa isang flight ng United Airlines mula sa Guam.

Ayon sa pamahalaan ng US, nahatulan si Nevarez ng isang US court noong 2013 ng pitong kaso para sa krimen ng pagsasagawa ng mga kahalayan at libidinous acts laban sa mga bata na may edad na 14 at 15 taon.

Kaya naman agad na pinabalik  ang mga pasahero at pinasakay sa  flight patungong kanilang port of origin. At isasama na rin sila sa listahan ng blacklisted upang hindi na kailanman pumasok pa ng bansa