MAWAWALAN ng tubig ang mga residente nang tatlong araw sa kalakhang Maynila at tatlong lungsod ,ito ay upang bigyang daan ang pagkukumpuni ng ng Manila Water Company Inc. mula Marso 7 hanggang 9.
Kabilang sa mga mapeperwisyo ang lungsod Quezon, Maynila at Pasig.
Sa Quezon City, apektado ang Barangay Central, Bagong Silangan at Tandang Sora. Sa Maynila, sapul naman ang Sta. Ana, San Andres at Paco.
Apektado rin ang mga residente ng Barangay Bagong Ilog at Ugong sa Pasig City.
Pinapayuhan rin ang mga residente ng mga apektadong lungsod na mag-imbak ng sapat na suplay bilang paghahanda sa kanilang isasagawang maintenance at repair ng mga linya ng tubig.
Panawagan rin ng Manila Water ang pagtitipid ng tubig sa panahon ng tag-init.