
Pinangunahan ni Cabuyao City Mayor Rommel Gecolea ang pagbubukas ng kauna-unahang pampublikong Badminton Center (gitnang larawan)sa kanilang lungsod na ginanap sa Enterprise Park in Banay, Banay , Cabuyao, Laguna nitong Sabado.
Kasabay nito ang selebrasyon ng kanyang ika-53rd na kaarawan kung saan inilunsad rin niya ang pinaunlad na E-Cabs na siyang magsisilbing City within a city ng kanilang lugar.
Ang E-CABS ay binubuo ng kanyang pinapagawang kumpletong pasilidad tulad ng Command Center, Pagcor Multi-Purpose Evacuation Center, Sports Clubhouse, Swimming Pool, at Material Recovery and Technology (MRT) , Mega Food Park, Mega Zumba at Soccer Field .
“Nakasentro po kami dito sa pagpapaunlad ng tao. Here in Cabuyao, you live, you work, you play,” ani ni Gecolea.
Idinagdag pa nito ang pagbubukas ng Badminton Center, the Aquatic Center at Bike Zone sa kanilang lugar.
“Magiging sentro ito, maraming pupunta, mas maunlad ang aming tao, may maasahan sa hanapbuhay,”dagdag pa nito.
Inanunisyo rin niya sa publiko na buong pagmamalaki na ang Pamantasan ng Cabuyao ay mayroong 10,000 scholars na siya pinakamarami sa buong rehiyon ng Calabarzon.
Buong suporta rin ang kanyang bise-alkalde na si Leif Opina sa pagsulong at pagpapaunlad ng kanilang lungsod.
Kilala ang Cabuyao bilang isang maunlad na lungsod sa Laguna kung saan nakatayo ang industriya ng Nestle Philippines, Wyeth at Procter and Gamble Philippines, Asia Brewery Inc. at San Miguel Corporation