June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

3 bata tinamaan ng kidlat sa Bulacan

Ni Alex dela Cruz

NASAWI ang isang binatilyo at ang dalawang mag- pinsang kabataan nitong Miyerkules ng hapon nang tamaan ng kidlat sa Pulilan, Bulacan.

Nakilala ng pulisya ng Pulilan ang mga nasawing sina Rexter Enriquez, 16; at ang kanyang mga pinsang sina Roxane Enriquez, 12; at April Almorade, 11; na pawang naninirahan sa Sitio Tangos, Bgy. Inaon, bayan ng Pulilan.

Ayon sa saksi, si 8-taong gulang na Arlene Benito, sila ay naglalaro sa ilalim ng isang puno ng mangga nang makita nila ang paparating na ulan.

Nagtakbuhan sila pabalik sa kanilang mga bahay nang biglang kumidlat ng malaks.

Agad na nakaramdam si Benito ng electric shock at pagkatapos ay nakita ang mga biktima na bumagsak sa lupa.

Agad niyang ipinaalam sa mga magulang ng tatlo ang nangyaring insidente.

Agd na humingi ng saklolo ang mga magulang ng isa sa mga biktima at saka dali-daling dinala ang mga biktima sa Dr. Magdalena Reyes Hospital sa Bgy. Poblacion, kung saan ang binatilyo at ang dalawang pinsan ay idineklarang dead on arrival.

Top of Form

Bottom of Form