TATLO katao ang nabiktima ng basag kotse gang sa loob ng isang gabi sa magkakahiwalay na insidente sa Taytay , Rizal nitong Huwebes.Unang dumulog sa himpilan ng Taytay Munucipal Police Station ang biktimang si Norman Ray Eleazar bandang alas 10:59 ng gabi .
Ayon sa kanya bandanag alas 7:30 ng gabi nang iparada nya ang kanyang Mitsubishi Mirage Hatchback na Gray sa harapan ng Bahay Kawayan Restaurant sa kahabaan ng ilog Pugad Manila East Road ,Brgy.San Juan upang kumain ng hapunan kasama ang kanyang pamilya.
Matapos ang hapunan ay nagpasiyang dadalhin na sa ospital ang kanyang ina nang madiskubre sa kaliwang bintana na basag na ito at nawawala ang kanyang bag na may lamang Lenovo Laptop , pabango at ilang mahahalagang kagamitan.
Bukod rito ay tumawag rin sa pulisya si Pinky Pastor .
Base sa kanyang ulat , bandang alas 8:30 ng gabi nang Huwebes rin nang kanyang madiskubre na nabasag ang bintana ng kanyang Mitsubishi Montero na kulay puti.
Nakaparada ito nang alas 7:00 ng gabi sa Divimart na Taytay Capital Tiangge.Nang kanyang balikan ay basag na ang bintana sa kanang bahagi ng kanyang sasakyan .
Nang kanyang inspeksyunin ay nawawala na rin ang kanyang bag, Identification cards ,5 credit cards at dalawang passbook.
Ikatlong biktima rin ng Basag -kotse Gang si Jowie Argate.
Sa kanyang ulat sa mga otoridad, nakaparada ang kanyang MU-X na itim sa Barangay San Isidro , Taytay bandang alas 8 ng gabi upang magtungo sa Tea Gumps at matapos ito ay dumiretso siya sa Drip Kopi Shop.
Bandang alas 3:50 ng madaling araw ng Biyernes na ng kanyang matagpuan na basag na ang kanyang kanang bintana sa likuran dahil sa hampas ng hangin.
Dito na din niya nadiskubre na nawawala ang kanyang laptop ,Mini Ipad,ibat-ibang credit cards ,wallet kasama ang ID.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestoigasyon ang mga pulisya hinggil sa sunod-sunod na insidente ng Basag-kotse Gang.