May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

3 katao sugatan sa ambush sa Maguindanao

Ni Edwin Moreno

TINAMBANGAN ang tatlong katao sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao ang nasa kritikal na kalagayan.

Ayon sa pulisya , nakilala ang mga biktimang  sina Reagan Blanan, kabiyak niyang si Jane Balanan at isa pang kasama na nakilala sa pangalang Jonimar Minted.

Base sa imbestigasyon binabagtas ng van na sinasakyan ng mga biktima ang baybaying kalsada sa Barangay Tapian patungo sa isang pasyalan sa nasabing bayan, nang paulanan ng bala ng mga di pa natutukoy na suspek gamit ang mataas na kalibre ang mga biktima.

Batay sa salaysay ng biktima, pawang armado ng assault rifle at kalibre .45 ang mga salarin.

Ayon sa lokal na pulisya, mabilis naman ang kanilang pagresponde subalit hindi na inabutan ang mga suspek na tumakas pagkatapos ng pananambang.

Pagtitiyak ni Datu Odin Sinsuat poliuce chief Major Regie Abellera, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa hangaring matukoy at madakip ang mga salarin.