
LUSOT na sa Senado matapos aprubahan nitong Lunes ng gabi ang hindi bababa sa tatlong panukalang batas para sa mga Pilipinong Muslims
Inihain at ini-sponsor ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang nakapasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill 8925 kabilang na rito ang paglibing sa Muslim alinsunod sa tradisyong Islam; at Senate Bill 2819, na pinapalakas ang National Commission on Muslim Filipinos.
In-adopt naman ng Senado ang bicameral conference committee report para sa pangatlong panukalang batas – Senate Bill 1410, kasama ang House Bill 5693 – na nagdedeklara sa Pebrero 1 bilang National Day of Awareness on the Hijab and other Traditional Garments and Attire.
Noong Enero, ini-sponsor ni Padilla ang House Bill 8925, na nagbibigay ng alituntunin sa pag-register ng Muslim na namatay; at sa tamang paghatid sa labi ng yumaong Muslim.
Ang House Bill 8925 naman ay sister bill ng Senate Bill 1273 ni Padilla, na nagbibigay ng pantay na access sa pampublikong libingan para sa mga Filipino Muslims at indigenous peoples.
Tinitiyak ng Senate Bill 2819 ang proteksyon sa balik-Islam community sa pamamagitan ng representasyon sa NCMF. Sa panukala, magkakaroon ang balik-Islam ng kinatawan sa NCMF para matulungan silang mag-adjust sa normal na buhay alinsunod sa Islam.
Samantala, tinitiyak ng Senate Bill 1410 ang “voluntary exercise of religious profession and worship, free from coercion or discrimination.”
“To promote diversity, awareness and tolerance of religious and cultural beliefs expressed through the wearing of indigenous clothing, head garments and coverings, such as but not limited to hijab, sinulog and tapis. Feb. 1st is hereby declared as the ‘National Day for Awareness on the Hijab and Other Traditional Garments and Attire,'” ayon sa panukala.