TATLO ang patay noong Miyerkules ng gabi habang anim na iba pa ang sugatan nang araruhin ng trailer truck na may dalang construction materials ang mga sasakyan at pedestrian sa Batasan-San Mateo Road sa Quezon City.
Bineberipika pa ang mga pangalan ng mga biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya , nakita ng mga saksi na napakabilis ng takbo ng trak habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada.
Sinabi ng 38-anyos na driver sa awtoridad na patungo sila sa Marikina nang mawalan siya ng kontrol sa trak hanggang sa dumaan ito sa kabilang linya at sumalpok sa iba pang sasakyan, kabilang ang isang AUV at tatlong motorsiklo.
Isang lalaki na nasa waiting shed, ang nabangga ng trak at namatay sa lugar.
Namatay din ang isang motorcycle rider habang dinala sa ospital ang isa pang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Inaresto ng mga rumespondeng mambabatas ang driver ng trak na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, at damage to property.
