NAIBALIK na ng selda ang tatlong preso na tumakas mula sa isang bilangguan sa Taytay, Rizal noong Martes.
Ayon kay Taytay police chief Gaylord Pagala, ang mga nakatakas na preso ay sina Ronald Barrera at Kurt Cavasal na nahuli sa Antipolo at Taytay ilang oras matapos ang jailbreak, habang si Danny Cancino ay nahuli sa Pasig noong umaga ng Miyerkules.
Sangkot sina Barrera at Cancino sa mga kaso sa droga habang si Cavasal naman ay nahaharap sa mga kaso ng loose firearms.
Sinabi ni Pagala na dalawang opisyal ng bilangguan ang sinibak sa pwesto dahil sa kapabayaan sa kanilang mga tungkulin .