
TATLO ang sugatan matapos sumalpok ang isang kotse sa mga puno at poste sa Roxas boulevard sa Pasay City kaninang madaling araw.
Wasak ang Honda Civic na gray na may plakang AVP 5175 sa unahang bahagi ng sasakyan at humiwalay ang makina nito.
Nagkayupi-yupi rin ito dahil sa lakas ng impact ng pagbangga.
Natulala naman at hindi pa makausap ang mga duguang sakay ng sasakyan.
Inaalam pa ang mga pangalan ng mga biktima maging ang sanhi ng aksidente.