ARESTADO ang tatlong dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa isinagawa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sarangani Province, Agusan del Norte, at Surigao del Norte sa Mindanao noong Hulyo 13 at 15, 2026.
May nakabinbing magkahiwalay na warrant of arrest sina alyas “Leo,” “Mike,” at “Nika,” na pawang nasa hustong gulang.
Ang tatlo ay may magkahiwalay na kaso na kinasasangkutan ng pagpatay, tangkang pagpatay, pagnanakaw na may karahasan o pananakot sa mga tao, multiple attempted murder at paglabag sa Republic Act No. 9851, o o mga batas na paglabag sa international humanitarian law, genocide, and at iba pang krimen laban sa sangkatauhan.
Base sa rekord ng pulisya, ang tatlo ay dating miyembro ng CTG na dating kasama sa Periodic Status Report ng mga Listed Target Group ng Armed Forces of the Philippines.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., na ang pag-aresto ay pangako ng PNP na tiyakin na ang mga indibidwal na nahaharap sa mga kasong kriminal ay ihaharap sa korte sa pamamagitan ng mga legal na operasyon ng pulisya.
