NAARESTO ng mga jail officer ang isang 56-anyos na babaeng tindera dahil sa umano’y pagtatangkang magpasok ng shabu para sa kanyang live-in partner na nakadetine sa Nueva Ecija Provincial Jail (NEPJ) sa Bgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Itinago ng babae ang shabu sa kanyang pribadong bahagi ng katawan.
Ayon sa imbestigasyon, naharang ang babae habang isinasagawa ang routine inspection sa mga bisita sa male custodial facility ng NEPJ.
Sa pagsisiyasat, natagpuan ang babae na may dala-dalang dalawang plastic sachet ng shabu na nakatago sa loob ng kanyang ari.
Tinatayang mga 0.9 gramo ang halaga ng shabu na may pagkakahalagang P6,120.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa babae.
