MAHIGIT sa 300 mga pamilya ang tumanggap ng food packs na may bigas at pagkaing de-lata sa Brgy. Mangangan II, Baco nitong Lunes .
Inatasan ni Governor Bonz Dolor ang iba’t-ibang tanggapan ng Kapitolyo ang relief operations ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) para sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha na dulot ng nagdaang mga pag-ulan sa lalawigan.
Pinangasiwaan ni Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Officer Zarah Magboo, kasama ng kanyang mga kawani katuwang sina Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent Gahol, PGDH-Provincial Public Employment Service Office (PPESO) Manager Antonio Magnaye, Jr., at Office of the Governor Special Concerns Division (SCD) Chief Junielo Alcuran.
Nakiisa rin sa gawin si Sangguniang Panlalawigan First District Board Member Ryan Arago at ang mga opisyal ng barangay ng Mangangan II.
Matatandaang ang naturang ayuda ay bahagi ng patuloy na pagtalima ng pwersa ng PGOM sang-ayon sa mga naging direktiba ni Governor Bonz, upang maitiyak na makakarating ang tulong sa mga lubos na naapektuhang pamilya.
Umaasa ang ilang residente ng barangay, ginhawa ang naihatid sa kanilang tulong lalo’t hindi pa rin ganap na nakakabangon ang ilan sa kanila mula sa mga pinsalang dulot ng mgaa pagbaha.
