MAY 3,500 trabaho ang magbubukas sa bansang Croatia para sa mga Filipino hotel worker ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon sa DMW, kabilang dito ang posisyon ng hospitality staff, housekeepers, at bartender.
Ang inisyatiba ay bahagi ng isang government-to-government agreement na idinisenyo upang lumikha ng mga prospect ng trabaho para sa mga Filipino sa ibang bansa.
Sinabi ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na walang placement fee na kakailanganin.
Sinabi niya na dapat isumite ng mga interesado ang kanilang application form nang direkta sa tanggapan ng DMW.
Ayon kay Caunan, ang mga Pinoy hotel worker sa Croatia ay maaaring umasa na kumita ng mahigit 1,000 euros, na mahigit 62,000 pesos kada buwan, kasama ang iba’t ibang benepisyong inaalok sa mga empleyado sa bansa.
