
NASAWI apat na katao makaraang salpukin ang isang truck kaninang alas-3 ng madaling araw sa bayan ng Antipolo, Rizal.
Nasawi ang driver ng kotse na si Juanito Cataylo, 22 anyos at mga pasaherong sina Kidrock John Magsino , 21 ; Lawrence Ivan Jose, 21; Ereneo Balmonte,22 na pawang residente ng Antipolo City.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, mabilis ang pagmamaneho ng sinasakyan ng mga biktima na Honda Civic Sedan na may plate no.WJW 929 bandang alas 3 ng madaling araw patungo ng Sta.Lucia Grand Mall .
Nawalan ng kontrol ang kotse saka bumangga ito sa kaliwang likuran parte ng Izuzu wing van truck na minamaneho naman ng driver na si Glen Gumban ,48 anyos ng Marikina City.
Agad na nagresulta ng pagkamatay ni Cataylo at ng tatlong pasahero na sakay nito ng kanyang sasakayan.
Samantala dinala naman ang driver ng truck sa kustodiya Antipolo Custodial Facility.
Sinabi ni Rizal Provincial director PCol Felipe Maraggun, “kung hindi tayo mag-iingat sa pagmamaneho hindi lang ang ating sarili ang inilalalagay sa peligro, pati na rin ang mga taong maaring maging biktima ng ating kapabayaan”.