400k pabuya sa magtuturo sa mga suspek na gumahasa sa 2 menor na magkapatid sa Cavite

Ni Alex dela Cruz

NAG-ALOK na ng tig- 200,000 pabuya ang mag-asawang Mayor  Jenny Austria -Bargaza  at mister na si Congressman Elpidio “Pidi” Frani Barzaga Jr.  sa sino man  makapagbigay ng impormasyon at kinaroroonan ng mga suspek na gumahasa sa magkapatid  na menor de edad noong Agosto 4.

Base sa ulat,pinagtulungang  halayin ng apat na di kilalang kalalakihan ang mga menor de edad na magkapatid sa Dasmarinas City, Cavite noong Biyernes.

Ginahasa umano ang mga ito sa bakanteng lote  sa likod ng Gabion  sa barangay Burol, Dasmarinas City noong Agosto 4.

Nagtitinda ng gulay  ang magkapatid upang tulungan ang kanilang magulang  sa pang-araw-araw na gastusin.

Bumuo na ang pulisya ng special team na siyang tututok sa kaso ng magkapatid upang agad na maresolba at bigyang hustisya ang dalawang menor .