June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

43°C heat index sa Tanauan, Batangas pinakamataas sa Calabarzon

NAGPAALALA ang DOST -PAGASA sa bahagi ng Calabarzon  dahil sa patuloy na makakaranas ng matinding init ngayong araw.

Sa pinakahuling talaan ng ahensiya, papalo sa 43°C ang mararamdamang init ng panahon  sa bahagi ng Tanauan, Batangas at sa Sangley Point, Cavite naman ay 42°C .

Kaya naman inaabisuhan ang publiko na pansamantalang iwasang lumabas ng bahay sa oras ng matinding sikat ng araw  upang maiwasan ang heat stroke lalo na ang mga outdoor activities.Pinaaaalalhanan rin na uminom ng sapat na tubig at magsuot ng komportableng damit.