June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

5.3 magnitude na lindol tumama sa Surigao del Sur

INUGA ng 5.3 magnitude na lindol ang tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong umaga ng Miyerkules ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng PHIVOLCS tectonic ang lindol na nangyari sa ganap na 9:11 ng umaga at may lalim na 10 kilometro.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity V sa City of Bislig, sa Surigao del Sur.

Ang mga sumusunod na instrumental intensities ay iniulat din:

Intensity III – City of Bislig, Surigao del Sur

Intensity II – Nabunturan, Davao de Oro

Wala umanong inaasahang pinsala o aftershocks matapos ang magnitude 5.3 na lindol, ayon sa Phivolcs.