
LIMA ang nakaligtas nang aksidenteng bumagsak ang helicopter sa plantasyon ng saging sa Lantapan, Bukidnon kahapon.
Lulan ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS) helicopter R44 ang mga nasugatan na sina Carmelo Paras at pilotong si Jared Hoewing habang ang tatlong iba pang pasaherong ay sina Daria Kiayn, Alan Martinez at Gary Soria.
Mabilis na rumesponde naman ang local na pamahalaan na Municipal Disaster Risk Management Office at Bureau of Fire and Protection nang mangyari ang insidente bandang alas 10 ng umaga nitong Huwebes sa Banana plantation sa Babahagon.
Base sa ulat ng PAMAS , nasa 3,000 feet altitude ang helicopter nang mawalan ito ng power kaya’t nag emergency landing sa bahagiing ito ng Valencia City.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.