NAGKAYUPI-YUPING parang lata ang isang sasakyan kung saan lima ang patay habang tatlo ang sugatan sa salpukan ng truck at MPV sa barangay San Miguel, Sto.Tomas Batangas nitong Sabado ng madaling araw , Disyembre 23.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Batangas police , pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga nasawi sa trahedya habang ang driver naman ng MPV naman ay natukoy na si Lester Lesmoras, 23, ng General Tinio, Nueva Ecija.
Dead on Arrival sa Laurel Memorial District Hospital ang limang biktima habang ang mga sugatan ay dinala sa dalawang magkaibang ospital.
Batay sa salaysay ng nakaligtas na biktima, ang Innova ay naglalakbay patungo sa Bulacan mula Catarman, Northern Samar nang magbanggaan ito sa trak na may plakang CAP-7309 na minamaneho ni Salvador Arreglo, 58, ng Barangay Calumpang, Tayabas City, Quezon, na patungo naman sa Tayabas City mula Santa Rosa City, Laguna.
Isang sugatan ang nagsabi na nakatulog si Lesmoras nang mangyari ang aksidente. Sa ngayon ay nasa kostodiya na din ito ng mga ototridad .