February 24, 2024

ISA PA! Target ngayon ng lokal na pamahalaan ng baybaying bayan ng Binangonan na masungkit ang ika-anim na panalo sa taunang paligsahan para sa pinaka bonggang Recycled Christmas Tree-Making ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. Ayon kay Binangonan Municipal Administrator Russel Callanta Ynares, ang kanilang higanteng Christmas tree at gawa mula sa mahigit 2,000 botelyang plastik (4-gallon canisters) at mga tarpaulins na ginamit sa kampanya nito lamang nakaraang halalan.