NATIMBOG ang 56 na personalidad sa isinagawang operasyon na Anti-Criminality Operation ng Laguna PNP nitong Enero 30, 2024 .
Pinamunuan ni PCol Gauvin Mel Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, illegal gambling, operation against most wanted persons at loose firearm sa buong lalawigan ng Laguna.
Sa kampanya laban sa iligal na droga, nagsagawa ang Laguna PNP ng 12 na operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng 19 suspek. Kumpiskado sa mga suspek ang humigit kumulang 96.5 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang tinatayang aabot sa PhP656,200.00.
Sa Anti-illegal Gambling Operation nakapagtala naman ng dalawa (2) na operasyon laban sa illegal number games o maskilala sa tawag na (bookies) na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawa (2) na personalidad, habang apat (4) na operasyon naman para sa other form of iligal gambling na nag resulta sa pagkakaresto ng 13 katao na sangkot sa tong its, Cara Cruz at iba pang uri ng sugal. Nasamsam sa mga suspek ang bet money na may kabuuang halaga na PhP1,657.00.
Sa loose Firearms operation na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapagsagawa ng limang (5) operasyon na nag resulta sa pagkaka aresto ng 3 suspek nakumpiska naman sa mga suspek ang dalawang (2) unit ng kalibre 45 at isang kalibre 38.
Sa Manhunt Operations arestado ang isang most wanted person City Level na may kasong RA 8353 “The Anti Rape Law of 1997” habang naaresto din ang 18 na other most wanted person.
Ayon sa pahayag ni PCol Unos “Ang One-day Police Operations ng Laguna PNP ay mas pinaigting upang tiyakin ang seguridad ng mamamayan. Hangad din ng Laguna PNP na mapanatili ang kaayusan at malayo sa panaganib ang pamayanan.
