
PINAGBABARIL ng mga armadong lalaki nitong Biyernes ang isang 57-anyos na babae sa Nueva Ecija.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen Jean Fajardo, kinilala ng Nueva Ecija police ang biktima na si Gina ng Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagmamaneho ng e-bike pauwi ang biktima nang makarating sa Bgy. Pasupali nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ng ilang beses.
Isinugod si Gina sa Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz ngunit idineklara itong dead-on-arrival habang tumakas ang mga suspek patungo sa Bgy. San Antonio.
Narekober ng mga rumespondeng pulis sa crime scene ang apat na basyo mula sa isang cal .9mm na baril.