
UMABOT sa limampu’t walong (58) violators ang nahuli ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) sa isinagawang operasyon sa EDSA busway stations ng Ortigas at Magallanes kahapon ng umaga.
Tiniketan ang 58 lumabag kabilang rito ang 36 hindi sumunod sa traffic sign, 7 obstructions, 5 illegal loading sa labas ng terminal station, at 10 hindi awtorisadong motorista na gumamit ng EDSA buslane.
Layunin ng ahensiya na paigtingin ang operasyon laban sa mga kolorum at siguraduhin ang roadworthiness ng mga pampublikong sasakyan sa iba’t-ibang lugar para sa kaligtasan at komportableng biyahe ng mga pasahero maging sa Edsa bus carousel.