PINA-DEPORT na ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na Japanese nationals na kabilang sa miyembro ng notorious crime
Tinukoy ni implementation chief na si Atty. Alex Arciaga ang mga suspek na sina Hiraki Ishikawa, 46; Tsubasa Amano, 30; Akira Sambonchiku, 26; Naoto Matsumoto, 36; Rintaro Yamane, 28 at Masato Morihiro, 38.
Ang 6 na indibidwal ay umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng flight ng Japan Airlines patungong Tokyo nitong umaga ng Setyembre 10.
Ang mga Japanese national ay inaresto noong Mayo 21 ng fugitive search unit (FSU) ng BI sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa San Jose del Monte, Bulacan at Ermita, Maynila.
Inaresto sina Rintaro at Masato sa isang condominium unit sa kahabaan ng Adriatico St. sa Ermita, habang ang iba ay natagpuan sa isang residential area sa kahabaan ng Quirino highway sa Bulacan.
Ang grupo ay kinilala ng mga awtoridad ng Japan na mga miyembro ng kilalang grupong ‘JP Dragon’, na wanted sa kanilang sariling bansa para sa malawakang pandaraya.
Ang sindikato ay idinadawit na sangkot sa isang hanay ng mga ilegal na aktibidad, karamihan sa pandaraya, na nagta-target sa mga senior citizen sa Japan. Ang kanilang modus ay magpanggap na mga awtoridad para dayain ang mga biktima na magbigay ng malaking halaga ng pera.
Ninakaw umano ng sindikato ang mga ATM card at nagpanggap na mga alagad ng batas para harass at linlangin ang kanilang mga nakatatandang biktima sa pagsuko ng mga bank card at iba pang impormasyon sa pagbabangko sa dahilan ng imbestigasyon ng pulisya.
Ang summary court sa Fukuoka, Japan ay naglabas ng warrant of arrest laban sa lima sa kanila noong Marso 5 dahil sa mga kasong pagnanakaw na isinampa laban sa kanila, habang si Matsumoto ay napag-alamang isang overstaying alien.
Pinuri ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang deportasyon, at sinabing epektibong nabuwag ng BI ang operasyon ng sindikato ng krimen sa Pilipinas.
Ang mga pangalan ng 6 na miyembro ay kasama na sa listahan ng blacklisted sa BI upang hindi na makapasok sa Pilipinas
