
ANIM na patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang 19-anyos na kabilang sa No.4 Most Wanted Person regional level ng Police Regional Office Calabarzon makaraang gahasain ang isang menor de edad.
Arestado si Mark Ryan Beblanas y Palero , 19-anyos na residente ng Barangay Hulogan , Tanza ,Cavite sa isinagawang Oplan Pagtugis ng mga otoridad noong Biyernes ng hatinggabi sa Park Central Tower Brgy. Urdaneta, Makati City
Bitbit ang warrant of arrest CIDG RFU 4A- RSOT kabilang ang RIDMD, PRO 4A; Palanan Sub Station 2, Makati CPS at RMFB NCRPO laban sa suspek na inisyu ni Hon. Flordeliz Cabanlit Fargas , Presiding Judge ng 4rth Judicial Region, Branch 5 ng Trece Martirez City, Cavite na inilabas noong Nobyembre 8, 2022.
Nahaharap ito sa dalawang kasong rape na walang piyansa o bail ; Statutory rape na wala rin piyansa at tatlong Sexual Assault na may 200,000 piyansa o bail bawat isa ang mga ikinaso sa akusado.
Ayon kay CIDG4-A Regional Chief Police Lt.Col.Joel Manuel Ana na “That the arrest of the suspect even outside the region is the testament of the dedication and commitment of CIDG RFU 4-A to chase all wanted criminals anywhere in the country , and to help victims attain justice that they deserve “.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga otoridad ang suspek na si Beblanas.