UMABOT sa 90 indibidwal ang naaresto sa ikinasang One time , Big Tme ( OTBT ) operation ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit Calabarzon nitong Nobyembre 25 hanggang Disyembre 8, 2022.
Nasa 34 wanted ang natimbog ng mga operatiba habang 1 ang naaresto sa pagdadala ng illegal nabaril.
Habang 12 katao naman ang inaresto dahil sa illegal na sugal kung saan nakumpiska ang halagang P9,350 piso .
Mayroong 43 katao naman ang inaresto dahil sa Other Law Enforcement Activities o OLEA na may 173,500.00 ang nalikom na ebidensya .
Sinabi ni CIDG Regional Chief PLt.Col. Joel Manuel Ana ,”The numbers show the CIDG RFU 4-A’s commitment and dedication to fulfill its mandates against all forms of criminality to support the Police Regional Office 4A in enhancing the peace and order situation in the Calabarzon region.