INIHAYAG ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo nitong Lunes na hanggang anim na taong pagkakulong ang naghihintay sa mga pabayang ama na hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang anak.
Ito ay matapos na aprubahan ng House Committee on Welfare of Children noong Lunes ang substitute bill o “An Act Ensuring Child Support and Penalizing Parental Refusal or Neglect Thereof.”
Si Tulfo, kasama ang kanyang mga kasamahan mula sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo at dalawang iba pang mga kongresista na sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo ang may akda ng naturang bill.
Ang iba pang mga author ay sina Reps. Paul Ruiz Daza, Patrick Michael Vargas, Paolo Z. Duterte, Gus Tambunting, Ma. Victoria Co-Pilar, Jude Acidre, Jurdin Jesus Romualdo, Baio Dimple Mastura, Ma. Rene Ann Lourdes Matibag, ang yumaong Edward Hagedorn, Noel Rivera, Wilbert Lee, at Angelica Natasha Co.
“This bill will help our sole parents, numbering around 15 million of our population, will be their tool to be able to support their children. Hindi na po kailangan lumuhod at magmakaawa ng mga ina sa mga ex nila at ama ng mga bata para sa sustento,” ani Tulfo sa harap ng komite.
“Enough is enough, I would say. This has to end right now, kaya kailangan pong ipasa ang batas na ito. What is really unfortunate, some of these irresponsible fathers are holding government positions while most are working in the private sector,” dagdag pa ni Tulfo.
Ayon naman kay Rep. Edvic Yap na layon ng batas na ito na sagutin ang isang kritikal ngunit madalas na hindi pinapansin na isyu: ang tiyakin na tinutupad ng mga ama ang kanilang mga pananagutan sa pinansiyal sa kanilang mga anak.
“The current system has shortcomings. Republic Act No. 9262, the Anti-VAWC Act, already penalizes economic abuse, which includes the withdrawal of child support.
However, enforcing paternal child support comprehensively and establishing paternity – a prerequisite for a child support order – remains a challenge,” ani Rep. Yap.
Sa ilalim ng naturang bill, “any person who willfully and unjustly fails to pay child support pursuant to a Support Order despite having a gainful employment, business or enterprise, property, or any means or source income, shall be liable for willful failure to pay child support, which shall be furnished with prision correccional in its minimum period.”
Dagdag pa nito na, “if the offender is a public officer or employee, the penalty shall be imposed in its maximum period” o hanggang anim na taong kulong.
Samantala, binanggit ni PBA partylist Rep. Margarita Nograles sa pagdinig na ang batas ay maaaring may paglabag sa “forum shopping” dahil ang parehong kaso ay maaaring isampa para naman sa Violence Against Women and Children (VAWC).
Pero agad nilinaw ng Department of Justice na kung ang intensiyon ay magfile ng dalawang hiwalay na kaso sa nagkasalang magulang, maaaring idagdag ng mga mambabatas ang probisyon sa batas na “without prejudice to filing another criminal case under a separate law,” upang maiwasan ang paglabag sa “forum shopping.”
