February 24, 2024

6 sugatan sa 24 oras na nasunog na bodega sa Valenzuela City

Ni Alex dela Cruz

TUMAGAL ng higit sa 24 oras bago naapula ang  sunog sa Herco Trading na nagsimula pa kahapon Setyembre 28 sa Barangay Bagbaguin  , Valenzuela City .

Umabot sa Task force Bravo ang alarma ng sunog kung saan ay limang bombero at isang sibilyan ang nasaktan.

Agad namang inilikas sa evacuation center ang nasa 800 residente  kasma ang kanilang mga alagang hayog .

Tinatayang nasa 422 milyong piso ang naging danyos ng sunog kung saan naglalaman ang bodega  ng mga hardware products.

Ideneklang fire-out ang sunog  bandang alas 5:37 ng hapon kanina lamang.

.