June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

600 bisikleta na ipinamahagi ng QC LGU, laban kontra VAW

Ni Chris Lucas

SINIMULAN ang ikalawang taon ng selebrasyon ng 18-day campaign para sa Violence Against Women sa Quezon City sa pamamagitan ng pamimigay ng 600 na bisekleta sa mga lady guards, mga babaeng vendors at kababaihang myembro ng mga barangay, at iba pang kababaihang bahagi ng iba’t-ibang sektor ng lipunan. Ang kampanya ay tatagal mula ngayon, Nobyembre 25 hanggang sa Disyembre a-dose.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte,  magagamit ng mga benipisaryo ang libreng bisekleta para sa kanilang hanapbuhay at sa kanilang mga trabaho. Nanawagan din si Belmonte na sama-samang panatilihing ligtas ang mga lansangan sa lungsod.

Samantala, taus-puso naman ang pasasalamat kay Belmonte at sa buong pamahalaang lungsod ng mga nakatanggap ng bisekleta.

Layunin nito na wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at upang ipalaganap pa ang kaalaman hinggil sa women’s rights.

Sa huli ay nakipadyak si Belmonte at mga Department Heads ng QC LGU kasama ang ang mga kababaihang nakatanggap ng  libreng bisekleta