Lalaki huli sa 660K na Marijuana na ipapadala sa courier
NI Alex dela Crux

NATIMBOG ang isang lalaki na may PhP660,000.00 dried marijuana leaves na ipinadala bandang alas- 5:15 ng hapon sa courier sa Brgy Langgam, San Pedro City Laguna kahapon.
Kinilala ni PCol harold Depositar, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alias Kim na residente ng Muntinlupa City.
Nagkasa ng joint anti-illegal operation ang personnel ng RID4A, PIU Laguna at PDEA Laguna matapos makatanggap ng tawag ang San Pedro CPS mula sa isang concerned citizen makaraan ang kahina-hinalang parcel na ipapadala sa isang delivery courier nitong Oktubre 6, 2023.
Nang dumating si alias “Kim” sa delivery courier upang magpadala ng kanyang parcel ay agad inispeksyon ng mga operatiba ng mga tauhan ng delivery courier at Brgy. Official ng Brgy. Langgam ang nasabing parcel .
Agad binuksan ang pakete kaya naman tumambad ang mga nakabalot na hinihinalang dried marijuana leaves kung saan nakumpiska mula sa supek ang 13 plastic sachet ng hinihinalang dried marijuana leaves na may timbang na aabot sa 5.50 kilo na nagkakahalaga ng PhP660,000.00, walong (8) pirasong kahon, anim (6) na pirasong plastic bubble wrap, limang (5) pirasong itim na plastic bag at isang unit ng motorsiklo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” Samantala, ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Regional Forensic Unit (RFU) para sa forensic examination.