HIGIT dalawang oras tumagal ang rescue operation ng Philippine Coast Guard upang mailigtas ang pitong mangingisda sa Jintotolo Island sa Masbate.
Base sa ulat ng PCG,Pabalik na ang mga ito nang biglang sinalubong ng malakas na hangin at matataas na alon sa Estancia, Iloilo.
Pawang mga walang suot na life jacket nang matagpuan ang mga ito makaraang tumaob ang kanilang sinaskyang bangka.
Noong nakaraang linggo pa pumalaot ang pitong mangingisda .
Magsasagawa naman ang PCG kung may paglabag ang mga mangingisda dahil sa pamamalaot sa kabila ng nakataas na gale warning.