NAKALAGAY na sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ng Bureau of Immigration (BI) ang 7 opisyal ng Office of the Vice President (OVP) alinsunod sa kautusan ng Department of Justice(DOJ) .
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na natanggap nila ang kautusan noong Nobyembre 6 at kaagad na isinama ang pangalan ng pitong opisyal sa kanilang centralized database.
Ang ILBO ay isang utos na inilabas ng Department of Justice (DOJ) na nag-uutos sa mga opisyal ng imigrasyon na mahigpit na subaybayan ang paglalakbay ng mga indibidwal.
Ang pagpapalabas ng ILBO ay matapos ang kahilingan ng House of Representatives Committee on Good Government and Public Accountability sa DOJ, na binanggit ang isang subpoena ad testificandum na inilabas laban sa pito para sa kanilang patuloy na pagtanggi na dumalo sa kanilang Congressional inquiry.
Nilinaw ni Viado na ang ILBO ay para subaybayan lamang, at o hindi pagbabawal sa pag-alis ng bansa.