ITINAAS sa yellow alert status ng National Grid corporation of the Philippines o NGCP ang suplay ng kuryente ngayong Huwebes bandang alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Base sa inilabas ng advisory ng NGCP, may kapasidad lamang ito ng 12,223MW habang ang demand ay aabot sa 11,966MW
Tinatayang nasa 35 planta ang nasa forced outage; habang 14 naman ang tumatakbo sa derated capacities, para sa kabuuang 5137.2MW na hindi magagamit sa grid.
Kaya naman tumigil ang EERI 1, 2, 3; Ilijan Block A; at Ilijan Block B .
Maging ang mga hydro plant ng Magat 1, 2, 3, 4 ay kinapos rin ang operating margin kaya hindi sapat na matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.
