ANIM na miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang sundalo ang nasawi sa labanan sa Batangas nitong Linggo.
Sinabi ni Lt. Col. Hector Estolas, chief ng 2nd Infantry Division Public Affairs Office , tatlong sundalo pa ang sugatan sa engkuwentro na nangyaring bakbakan sa Brgy Malalay, Balayan, Batangas.
Base sa ulat na nakalap, ang mga rebelde ay miyembro ng Sub-Regional Military Area 4C ng Southern Tagalog Regional Party Committee.
Nagsagawa ng operasyong militar mula sa 59th Infantry Battalion at pinagsanib pwersa ng pwersa ng Navy at Air Force sa Malalay matapos makatanggap ng impormasyon na ang mga rebelde ay magpaplano ng pagpupulong sa lugar.
Nakumpiska ng mga militar ang dalawang M16 rifle, isang M653 rifle, isang shotgun, at mga subersibong dokumento sa kampo ng mga rebelde.