NATIMBOG ang isang most wanted person mula sa Calamba City, Laguna sa isinagawang manhunt operation nitong Abril 15, 2026 bandang alas-10 pasado ng umaga sa Barangay Cabusao, Camarines Sur.
Natunton ang suspek na si alyas ” Rody “ ng isagawa ang pinagsamang operasyon ng Cabusao Municipal Police Station ng Camarines Sur Police Provincial Office at Calamba City Police Station ng Laguna Police Provincial Office makaraang makatanggap ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng suspek.
Wanted sa kasong Qualified Statutory Rape, Rape by Sexual Assault, at tatlong counts ng Acts of Lasciviousnes ang suspek .
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Cabusao MPS para sa dokumentasyon at pagproseso bago ibalik sa kinauukulang korte at detention facility.
Ang operasyon ay bahagi ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO) sa ilalim ng PNP Focused Agenda, pagpapalakas ng intelligence-driven manhunt operations at pagpapalakas ng kampanya sa buong bansa laban sa mga wanted person.
Ayon sa Philippine National Police, sa pamumuno ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., “Ipagpapatuloy natin ang pagtugis sa mga wanted person hanggang sila ay maiharap sa korte at managot sa kanilang mga krimen,”
“Patuloy nating paiigtingin ang paghahanap at pag-aresto sa mga wanted na tao upang matiyak ang kaligtasan ng publiko,” dagdag pa nito.
